--Ads--

Nagtapos sa negative territory ang Philippine financial markets, matapos maputol ang three-day winning streak ng Philippine Stock Exchange index (PSEi), habang bahagyang humina ang piso kontra dolyar.

Bumaba ng 4.5 centavos ang halaga ng piso at nagsara sa ₱63.72 kada dolyar mula sa ₱63.675 noong Miyerkules.

Ayon sa isang ekonomista, kabilang sa mga nakaapekto sa merkado ang pagtaas ng global oil prices at umiigting na geopolitical tensions sa Middle East.

Bumagsak naman ng 3.28 points o 0.06 percent ang PSEi at nagtapos sa 5,490.13 points, dahilan upang maputol ang tatlong sunod na araw nitong pag-angat.

--Ads--

Kabilang din sa mga posibleng nakaapekto sa paghina ng piso ang mga bagong tariff na inanunsiyo ni US President Donald Trump laban sa 14 trading partners nito.