--Ads--

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Biyernes na 24 Pilipinong na-detain sa Russia sa loob ng siyam na buwan ay palalayain na at ipauuwi sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, ang naturang hakbang ay resulta ng koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Russian government.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Marcos kay Russian President Vladimir Putin, na kanyang nakatagpo kamakailan sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit, dahil sa tulong ng Russia sa pagresolba ng kaso at pagpapalaya sa mga Pilipino.

Inaasahang isasagawa ang repatriation ng mga naturang Pinoy sa mga susunod na araw habang patuloy ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

--Ads--