Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 25 overseas Filipinos mula sa Israel at Lebanon sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Migrant Workers na ang mga repatriated Filipinos—binubuo ng 14 caregivers mula Israel at 11 household service workers mula Lebanon ay dumating noong Abril 21 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ang kanilang pagbabalik ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.
Pagdating sa bansa, tumanggap ang mga OFW ng paunang tulong mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration, kabilang ang pinansyal na ayuda, pansamantalang tirahan, at transportasyon.
Hinimok naman ni DMW Assistant Secretary Francis Ron De Guzman ang mga repatriated OFWs na samantalahin ang reintegration services ng pamahalaan upang makapagsimulang muli.
Kabilang sa mga programang ito ang livelihood assistance, job facilitation, at iba pang serbisyong iniaalok ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.