--Ads--

Inaasahan ngayong linggo ang pag-uwi ng ikaapat na batch ng mga Pilipino mula sa Israel, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Tiniyak ng DMW ang kahandaan nito para sa repatriation ng 26 Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon. Kabilang sa mga uuwi ang 22 overseas Filipino workers, isang bata, at tatlong turista na ligtas na naitawid mula sa Israel patungong Taba Border.

Ayon sa ulat, naging matagumpay ang ligtas na pagtawid ng mga Pilipino sa tulong ng One Country Team sa Israel, pinangunahan ni Aileen Mendiola, at ng DMW-Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) team na naghatid sa kanila.

Pagdating sa border, inasikaso ang mga repatriado ng mga tauhan ng Philippine Embassy para sa kanilang immigration requirements. Agad din silang tinulungan ng DMW-OWWA Rapid Response Team para sa temporary accommodation at iba pang pangangailangan habang naghihintay ng flight pauwi sa Pilipinas.

--Ads--