--Ads--
Aabot sa 28 katao ang nasawi matapos masunog ang isang pabrika ng sapatos sa Jinjiang City, Fujian Province, China nitong Huwebes.
Mahigit 500 bumbero at rescue personnel ang rumesponde upang apulahin ang apoy at magsagawa ng search and-rescue operations sa Huiteng Shoes factory.
Inatasan ni Chinese President Xi Jinping ang mga awtoridad na agad tukuyin ang sanhi ng sunog at papanagutin ang mga responsable sa insidente.
Samantala, inaresto na ang may-ari ng kumpanya at ilan pang sangkot habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
--Ads--











