--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng wounded personnel medal ng Commanding General ng 5th Infantry Division Philippine Army ang 3 sundalo ng 95th Infantry Battalion na nakipagsagupa sa mga kasapi ng  New People’s Army (NPA) sa Ara, Benito Soliven, Isabela noong ika-26 ng Nobyembre 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO)  ng 5th ID, sinabi niya na ginawaran ni Major Gen Pablo Lorenzo ng wounded personnel medal ang mga sundalong patuloy na nagpapagaling sa ospital bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan.

Maliban sa medalya ay pinagkalooban din ng cash gift at incentives ni Major Gen. Lorenzo ang mga nasugatang sundalo.

Ang tinig ni Major Noriel Tayaban

Samantala,  dinalaw din ni Major Gen. Lorenzo ang mga kasapi ng 45th Infantry Battalion na nasa Patikul, Sulu ngunit  nanatiling nasa ilalim ng 5th ID.

--Ads--

Matatandaang dati pinabalik sa Lambak ng Cagayan ang mga sundalong kasapi ng 45th IB upang sumailalim sa battalion of excellence training ngunit ibinalik sa Patikul Sulu upang sumuporta sa 11th Infantry Division Philippine Army.