--Ads--

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang Topmost Wanted Person (TMWP) provincial level sa isang operasyon bandang alas-2:00 ng hapon nitong Mayo 1, 2026 sa Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Gudo,” 43 taong gulang, mula Brgy. Magsaysay, San Mateo, Isabela, na may kinahaharap na kaso sa paglabag sa Republic Act 10883.

Isinagawa ang operasyon ng San Mateo Police Station katuwang ang iba’t ibang yunit ng kapulisan at militar, na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na walang inirekomendang piyansa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na siya ng CIDG Isabela PFU at inihahanda para sa pagharap sa korte.

--Ads--

Ayon kay PCOL Manuel B. Bringas, patunay ang operasyon sa patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga most wanted persons at sa pagpapatupad ng batas para sa kapayapaan at seguridad.