--Ads--

Ito ang naging pahayag ni Veronica “Kitty” Duterte nang tanungin tungkol sa impeachment proceedings laban sa kanyang kapatid.

Si Kitty ay kasalukuyang nasa The Netherlands upang bisitahin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nananatiling naka-detain sa The Hague kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity na may kaugnayan sa war on drugs.

Ayon kay Kitty, hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang ama ang tungkol sa impeachment case ng kanyang kapatid dahil ayaw nilang dagdagan ang bigat ng sitwasyon nito. Sinabi rin niya na wala siyang komento sa politikal na usapin.

Sa kabila nito, naniniwala si Kitty na inosente ang kanyang kapatid. Ayon sa kanya, maaaring maraming katangian si Sara Duterte, ngunit hindi siya magnanakaw at hindi rin siya dishonest. Dagdag pa niya, kaya nitong harapin ang pinagdaraanan nito dahil alam nito ang katotohanan at sa huli ay mananaig ito.

--Ads--

Matatandaang nagsimula ang House justice panel ng impeachment hearings noong Marso 25, at nakatakda ang susunod na pagdinig sa Mayo 4. Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa alinman sa mga naunang pagdinig.