--Ads--

Inihayag ng Ministry of Defence ng Sri Lanka, na ang mga bangkay ng 84 Iranian sailors na nasawi matapos tamaan ng torpedo mula sa US submarine noong Marso 4 sa Indian Ocean ay nakatakdang ipalipad pauwi sa Iran.

Ang mga biktima ay kabilang sa tinatayang 130 sakay ng Iranian warship Iris Dena, na lumubog mga 40km mula sa timog baybayin ng Sri Lanka.

Inilipat ng pulisya ang mga bangkay mula Galle National Hospital patungong Mattala Rajapaksa International Airport para sa repatriation.

32 Iranian sailors mula rito na nailigtas ng Sri Lankan navy ay mananatili sa bansa.

--Ads--

Isang hukom sa Galle ang nag-utos na ibigay ang mga bangkay sa Iranian embassy.

Ang Iris Dena ay galing sa military exercise sa India bago ito sinalakay.

Ang paglubog ng barko sa international waters ay nagpalawak pa ng kasalukuyang digmaan ng US-Israel laban sa Iran.

Bilang ganti, nagsagawa ang Iran ng mga pag-atake sa iba’t ibang bansa sa Gulf na kaalyado ng US.