--Ads--

Naka-full Alert Status na ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng narinig na mga putok ng baril sa Senado nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, 2026.

Ayon sa pahayag ng PNP, batay sa ulat ng kanilang mga tauhan sa ground, agad na pinaigting ang seguridad at presensya ng mga pulis sa paligid ng gusali ng Senado habang patuloy ang beripikasyon sa naturang insidente.

“As part of standard security protocols and public safety measures, alert status was raised to FULL ALERT STATUS effective 8:30 p.m., May 13, 2026. PNP personnel remain deployed in the area to maintain peace and order while assessment and coordination continue,” ayon sa PNP.

Nauna rito, iniulat din ng PNP na nag-deploy sila ng humigit-kumulang 1,500 personnel sa loob at paligid ng Senado bilang bahagi ng seguridad.

--Ads--

Naganap ang tensyon matapos makarinig ng ilang putok ang mga mamamahayag na naka-cover sa Senado, kasabay ng kaguluhan at espekulasyon na may operasyon umano para arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC).

Gayunman, mariing itinanggi ng PNP at ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kinalaman ang kanilang mga tauhan sa nasabing mga putok.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at beripikasyon ng mga awtoridad sa tunay na pangyayari sa insidente sa Senado na kinasasangkutan ng Philippine National Police at ng Senate of the Philippines.