--Ads--

Nagtala ng bagong Guinness World Record ang parada sa Route 66 sa Tulsa, Oklahoma matapos maisama ang 3,596 classic cars sa isang mahaba at makulay na prusisyon.

Ang Route 66 Capital Cruise na isang Classic Car Centennial Parade, na ginanap nitong Sabado, ay pumalit sa dating record matapos malampasan ng 1,105 kotse ang naunang tala. Ang kaganapan ay bahagi ng pagdiriwang ng 100 taong anibersaryo ng Route 66, na kilala bilang “Mother Road” ng Amerika.

Lumahok ang mga driver mula sa 42 estado ng U.S., pati na rin mula sa Canada at France.

Ang parada ay bunga ng halos isang taong paghahanda ng iba’t ibang grupo sa Tulsa upang ipakita na sila ang “Capital of Route 66.”

--Ads--