--Ads--

Apat na katao ang nasawi matapos mabangga ng tren ang isang school minivan sa level crossing sa Buggenhout, Belgium nitong Martes, Mayo 26, kabilang ang dalawang estudyanteng may special needs.

Ayon sa ulat, ang mga nasawi ay isang 12-anyos at 15-anyos na estudyante, ang 27-anyos na chaperone, at ang drayber ng sasakyan. Nayupi ang minivan dahil sa lakas ng pagkakasalpok.

Sinabi ng mga awtoridad na nakababa ang safety barriers nang mangyari ang insidente, ngunit patuloy pang iniimbestigahan kung paano nakapasok ang sasakyan sa riles.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang minivan ay nagmula sa Kerkhofstraat at lumiko patungo sa Vierhuizen kung saan tumawid ito sa railway crossing na sarado umano sa oras ng insidente at doon tinamaan ng paparating na tren.

--Ads--

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga opisyal ng European Union, habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng trahedya.