--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginagamot ang apat na Overseas Filipino Workers (OFW’s) na Coronavirus Disease (COVID-19) positive patient   sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Alejandro, Medical Staff Chief ng R2TMC, sinabi niya na tatlo sa mga pasyente ay galing sa Ifugao habang ang isang OFW na 34 anyos ay residente ng Diadi, Nueva Vizcaya at kahapon lamang dinala sa nasabing ospital.

Kasabay na umuwi ng OFW ang isa pa nilang pasyente na taga-Ifugao at posibleng sa bus sila nagkahawaan.

Ayon kay Dr. Alejandro, asymptomatic ang lahat ng mga pasyente at tatlo sa kanila ay residente ng Lamut, Kiangan at Lagawe Ifugao.

--Ads--

Sinabi ni Dr. Alejandro na tinututukan nila ngayon ang pasyente na taga-Lagawe, Ifugao dahil positibp pa rin sa ikalawang swab test matapos ang isang linggo sa ospital.

Pinayuhan nila ang pasyente na manatili pa ng isang linggo sa R2TMC at maaari nang makauwi kapag negatibo na siya sa ikatlong swab test.

Ang pahayag ni Dr. Danilo Alejandro