--Ads--

Umabot na sa 5.78 milyong pamilya sa buong bansa ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) ng gobyerno.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, kabilang sa mga benepisyaryo ang poor, near-poor at low-income households.

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na malapit nang matapos ang pamamahagi, partikular sa Group 1 beneficiaries na nakatakdang makatanggap ng one-time payment sa kanilang bank o digital accounts.

Sa kabuuan, mahigit 3.21 milyong household mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at Walang Gutom Program ang nakatanggap ng ayuda.

--Ads--

Samantala, nasa 1.75 milyong poor at near-poor households mula sa Community-Based Monitoring System o CBMS ng Philippine Statistics Authority, at mahigit 811,000 low-income SSS members ang nakatanggap din ng cash assistance sa ilalim ng Group 3.

Nagsimula ang pamamahagi ng UPLIFT cash assistance noong Hulyo 20 bilang tulong sa mga pamilyang apektado ng energy emergency.