--Ads--

Arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Orani at Abucay, Bataan ang apat na indibidwal kabilang ang isang dayuhang Tsino matapos mahuling nagbebenta ng mga hindi rehistradong household aerosol insecticides.

Ayon sa NBI-BATADO at FDA, nakumpirmang walang permit ang mga produkto matapos suriin ng ahensya ang mga nakuhang sample mula sa isang test-buy.

Umabot sa P120,000 ang halaga ng mga nakumpiskang mapanganib na kemikal sa dalawang sinalakay na establisimiyento. Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3720 (Food, Drug, and Cosmetic Act) ang mga naarestong suspek.