
CAUAYAN CITY – Nabakunahan na ang 50% ng mga senior citizen sa lunsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education Promotion Officer Eroll Maximo ng City Health Office (CHO), sa kabuuan ay 12,834 na ang nabakunahan ng unang dose sa lunsod at 10,679 naman ang nakakumpleto na ng pangalawang dose.
Magkakasama na rito ang lahat ng mga nabakunahan ng sinovac, astrazenica at Johnson and Johnson.
Kabilang na rin dito ang mga senior citizen na kabilang din sa priority group na nasa 50% na.
Maganda naman ang pagtanggap ng mga senior citizen sa mga bakuna lalo na nang magkaroon ng Johnson and Johnson dahil single dose lamang ito.
Nasa 1,200 ng Johnsons and Johnson ang dumating noong nakaraang linggo sa lunsod at naibakuna na lahat.
Patuloy naman ang paglista nila sa mga senior citizen na hindi pa nababakunahan at pinayuhan ang mga gusto ng magpabakuna na pumunta lamang sa kanilang mga barangay health station upang matulungan sila kung paano ang magparehistro.










