--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nakahanda ang 50 paaralan sa lambak ng Cagayan para sa posibleng limited face to face classes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2 na noong nakaraang taon pa sila nakahanda para sa limited face to face classes.

Magugunitang noong Disyembre, 2020 ay inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limited face to face classes sa Enero, 2021 pero pumasok ang mga variant ng COVID-19 kaya ipinagpaliban muna ito.

Sa kabila nito ay nagpropose na sila ng mga paaralan na magagamit sakali mang payagan na ang limited face to face classes sa bansa.

--Ads--

Limampong paaralan aniya sa rehiyon ang kanilang naipropose dahil napakaistrikto ang guidelines.

Sakali man ay boluntaryo ang pagsali ng mga mag-aaral kaya napakalaki ang bahagi ng mga magulang.

Bukod dito ay kaunti lamang ang pupunta sa paaralan at ilang grades lamang din ang papayagan depende sa kalagayan ng paaralan.

Ayon sa kanya, napakahalaga rin ang aprubal dito ng nakakasakop na lokal na pamahalaan dahil kapag pumayag ang LGU ay malaki itong factor pero kung hindi naman ay susundin ito ng DepEd dahil sila ang nakakaalam sa kalagayan ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Tinig ni Ginoong Amir Aquino.