--Ads--

Nailikas na ang nasa 50 pamilya o katumbas ng 104 indibiduwal mula sa Bayan ng angadanan, Isabela partikular sa mga Barangay ng Rancho Bassit Brgy. San Guillermo, Brgy. Centro 2, at Brgy. Aromin, Echague.

ang mga naturang mga residente ay inilikas mula sa mga flood prone areas ng Angadanan, sila ay sumailalim sa initial checkup sa pangunguna ng Rural Health Unit Angadanan at Nutrition Office.

May ilang mga buntis at mga bata ang binigyan ng bitamina habang sila ay nanatili sa evacuation centers.

Sa kasalukuyan ay naka alerto na ang MSWDO, MDRRMO, nurses sa RHU, at ilang mga kasapi ng PNP Angadanan.

--Ads--