--Ads--

Nais ng mahigit kalahati ng populasyon ng Pilipinas na manirahan o magtrabaho sa ibang bansa kung magkakaroon sila ng tsansa, base sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.

Lumabas sa kanilang pag-aaral na anim sa bawat sampung adultong Pilipino, o 60 porsiyento, ang bukas sa ideya ng migrasyon.

Mas mataas ang pagnanais na mangibang-bansa sa hanay ng mga kabataan. Naitala sa 81% ang interes sa mga may edad 18 hanggang 24, habang 75% naman para sa mga nasa edad 25 hanggang 34.

Ayon sa mga sumagot sa survey, nag-uudyok sa kanila ang paghahanap ng mas mataas na suweldo, mas magandang oportunidad sa karera, maayos na serbisyong medikal, kalidad na edukasyon, at mas ligtas na pamumuhay.

--Ads--

Binigyang-diin ng OCTA Research na ang mga datos na ito ay malinaw na salamin ng matinding hangarin ng mga mamamayan para sa mas maunlad na kinabukasan na hindi nila matagpuan sa kasalukuyan.