--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtapos na ngayong araw ang 60th Senior/Cadet at 48th Junior Regional Camps ng Girl Scout of the Philippines o GSP Regional North Luzon sa Upi, Gamu, Isabela.

Ito ay nagsimula noong Huwebes, ika-13 ng Marso at pormal na nagtapos ngayong Linggo, Marso 16.

Ang mga Girl Scout na kabilang sa programa ay mula sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) partikular sa Abra, Baguio, Batanes, Benguet, Cagayan, Dagupan, Ifugao, Ilocos Norte- Laoag, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga Apayao, La Union, Nueva Vizcaya, Pangasinan, at Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay AMaj. Eduardo Rarugal, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na naging maayos naman ang kanilang accommodation sa mga Girl Scout sa kabila ng madaming bilang ng mga ito.

--Ads--

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naghost ang 5th Infantry Division ng Scouting events dahil noong nakaraang taon lamang ay nag-host din sila ng Provincial Scout.

Bagama’t provincial scout lamang iyon ay di hamak naman na mas madami ang contingent’s kung ikukumpara sa bilang ng mga participants ngayon na nasa 1,263 mula Regions 1,2,3 at Cordillera Administrative Region (CAR).