--Ads--

Umakyat na sa 7.5 milyon katao ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay at Neneng at ng habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa pinakahuling datos na naitala ng NDRRMC hanggang Agosto 23, katumbas ito ng humigit-kumulang 2.1 milyong pamilya mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.Astronomy

Sa kabuuang bilang, 9,872 pamilya o 34,103 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center.

Samantala, nananatili sa 29 ang bilang ng mga nasawi, habang 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala dahil sa epekto ng mga weather disturbance.

--Ads--

Habang may kabuuang 89 lugar din ang nananatiling nasa ilalim ng state of calamity.

Malaki rin ang naging pinsala sa mga ari-arian at kabuhayan.

Ayon sa NDRRMC, 2,600 bahay ang bahagyang nasira habang 269 bahay naman ang tuluyang nawasak.

Umabot naman sa tinatayang P4.9 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang nasa P1.7 bilyon ang naitalang pinsala sa agrikultura.

Sa gitna ng patuloy na epekto ng mga kalamidad, umabot na sa P1.24 bilyon ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya at komunidad.

Habang patuloy pa rin na mino-monitor ng NDRRMC at mga lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng