--Ads--

Tinatayang nasa 7.5 milyong pamilyang Pilipino ang makatatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance Program na inilunsad ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Marikina 2nd District Representative Miro Quimbo, chairman ng House Ad Hoc Committee on Legislative Energy and Development (LEAD), layunin ng programa na mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng target na ayuda at iba pang repormang isinulong ng Kongreso.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng isang beses na ₱2,000 ang 3.5 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program.

Samantala, 2.5 milyong mahihirap at near-poor na pamilya, gayundin ang 1.5 milyong low-income workers, ay makatatanggap ng ₱2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre 2026 alinsunod sa mga itinakdang patakaran.

--Ads--

Sinabi ni Quimbo na ang UPLIFT ay patunay ng pagtutulungan ng Ehekutibo at Kongreso upang maibsan ang epekto ng mataas na gastusin ng mga mamamayan at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Ipatutupad ang programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.