
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 535 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 7 na positibo.
Una si CV529, 58 anyos na lalaki mula Tuguegarao City, walang kasaysayan ng paglalakbay at nakaranas ng ubo, at sipon at naka-confine sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ikalawa si CV530, 35 anyos na babae mula sa Tuguegarao City, walang kasaysayan ng paglalakbay, nakaranas ng ubo, sipon at panginginig at naka-confine sa CVMC.
Ikatlo si CV531, 32 anyos na lalaki mula sa Tuguegarao City, walang kasaysayan ng paglalakbay, nakaranas ng hirap sa paghinga at naka-confine sa CVMC.
Ikaapat si CV532, 44 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan, nakasalamuha si CV499 at nakaranas ng lagnat.
Ikalima si CV533, 13 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha ang kamag-anak na si CV499.
Ikaanim si CV534, 11 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha rin si CV499.
Si CV499 ay isang 42 anyos na Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Maynila at nakaranas ng hirap sa paghinga.
Ikapito si CV535, 48 anyos na lalaki mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha si CV398.
Samantala, isang COVID-19 positive ang nasa quarantine facility ng LGU San Agustin, Isabela.
Ang pasyente ay mula sa Binangonan, Rizal at dumating sa San Agustin, Isabela noong August 7, 2020 para dadalo sa kasal ng isang kamag-anak sa August 28, 2020.
Siya ay isinailalim sa swab test noong Agust 11, 2020 at nagpositibo sa COVID-19.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 7 bagong COVID-19 positive.










