--Ads--

Pitong katao ang nasawi, kabilang ang apat na sundalo at tatlong sibilyan, habang 30 iba pa ang nasugatan matapos ang isinagawang drone at missile attack ng grupong Houthi sa port city ng Al-Mokha, Yemen sa baybayin ng Red Sea ngayong ika-10 ng Agosto.

Ayon sa militar ng Yemen, matagumpay na napabagsak ng kanilang air defense systems ang 11 drone na pinakawalan ng mga Houthi sa naturang pag-atake.

Samantala, naglabas naman ng mga video ang Houthi-aligned media na nagpapakita ng paglulunsad ng mga drone at missile. Iginiit ng grupo na tinamaan ng kanilang operasyon ang mga target sa Saudi Arabia, bagaman wala pang agarang kumpirmasyon mula sa mga awtoridad ng Saudi tungkol sa naturang pahayag.