--Ads--

Nasawi rin ang isang 85-anyos na lola matapos madamay sa pagsabog sa Purok Raniag, Barangay Sinamar, Roxas, Isabela nitong Oktubre 4.

Kinilala ang biktima na si Gloria Jabonitalla, residente ng nasabing barangay.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Saj Jabonitalla ang pagkamatay nito sa isang social media post, kung saan nagpaabot siya ng mensahe ng pamamaalam at nagpasalamat sa mga sakripisyo ng kanyang ina para sa kanilang pamilya.

Batay sa ilang saksi, nagtutungo lamang sana sa simbahan ang matanda nang madamay sa pagsabog na ikinasawi rin ng tatlong bata.

Sa ngayon, apat na ang kumpirmadong nasawi sa insidente, habang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang uri at pinagmulan ng bagay na sumabog.

--Ads--