Aabot sa 96 na saksi o witness ang planong iharap ng prosekusyon sa pagdinig ng kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. Inihayag ito ng prosekusyon sa isinagawang pre-trial proceedings ng kaso ngayong Biyernes, Setyembre 25.
Si Romualdez ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects at alegasyon ng kickbacks na umaabot sa ₱7.4 bilyon. Kabilang siya sa mga inakusahan ng Office of the Ombudsman kaugnay ng kontrobersiya sa libu-libong flood control projects na sinasabing overpriced, substandard, o hindi naipatupad.
Nauna nang umapela ng not guilty si Romualdez sa mga paratang laban sa kanya. Ang kaso ay dinidinig ng Sandiganbayan at kabilang sa mga itinuturing na non-bailable offense ang plunder.
Samantala, nagpapatuloy ang paghahanda ng magkabilang panig para sa paglilitis habang inaasahang ihaharap ng prosekusyon ang mga testigo at iba pang ebidensya upang patunayan ang mga alegasyon laban sa dating lider ng Kamara.









