--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang 97-anyos na lola sa Utah, Estados Unidos ang nakatanggap ng kanyang High School Diploma walong dekada matapos siyang huminto sa pag-aaral.

Noong 1940s, napilitan huminto sa pag-aaral si Kathryn Cole para tulungan ang kanyang pamilya. Nasa Grade 12 na noon si Cole at kailangan na lang niyang makumpleto ang isang English subject para matapos ang high school ngunit namatay ang kanyang lolo at kinakilangan niyang magtrabaho para sa pamilya.

Ayon kay Cole, noong araw ng libing ng kanyang lolo ay araw din ng final exams sa kanyang school.

Sa kasalukuyan, nagbo-volunteer si Cole sa Tabiona Public School para tulungang magbasa ang mga bata doon. Ngayong graduation season, natanggap na ni Cole ang pinaka-inaasam-asam niyang high school diploma.

--Ads--

Sa kasalukuyan, wala pang balak itigil ni Cole ang pagbo-volunteer sa public school at gusto pa rin niyang tumulong sa pagtuturo sa pagbabasa sa mga bata.