--Ads--

Bumawi ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) nitong Lunes matapos ang matinding pagbaba noong Biyernes. Umakyat ang bellwether index ng 0.53% o 30.56 puntos para magsara sa 5,799.32, habang umangat din ng 0.14 % ang All Shares index sa 3,285.56 dahil sa pagpasok ng mga bargain hunter.

Ayon kay Luis Limlingan ng Regina Capital, naging limitado ang pag-angat sa hapon dahil nanatiling maingat ang mga mamumuhunan bago ilabas ang pinakabagong data sa inflation. Idinagdag naman ng AB Capital Securities na nakaapekto pa rin sa merkado ang net foreign selling na dulot ng MSCI rebalancing noong nakaraang linggo.

Sumigla ang kalakalan kung saan umabot sa P8.5 bilyon ang kabuuang turnover. Nanguna sa mga aktibong stock ang ICTSI na umakyat ng 3.65% (P780), kasunod ang Jollibee na tumaas ng 2.92%(P130.60), habang bumaba naman ang BPI ng 0.43 porsyento (P93.50).