--Ads--

Pasok ang Alas Pilipinas sa men’s at women’s indoor volleyball, pati na rin sa beach volleyball divisions, para sa 2026 Asian Games na gaganapin sa Nagoya, Japan sa Setyembre.

Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino matapos makatanggap ng opisyal na abiso mula sa Asian Volleyball Confederation (AVC). Kabilang ang bansa sa top 16 teams sa Asya kung saan ang Alas Women ay nasa No. 10 spot at ang Alas Men naman ay nasa No. 15 sa FIVB Asian rankings.

Bukod sa indoor volleyball, sasabak din ang beach volleyball squads sa pamumuno nina SEA Games champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons.

Ang POC muna ang tatayong “caretaker” sa mga laro ng bansa matapos suspendihin ng FIVB ang local federation nito. Inaasahang magpapadala ang Pilipinas ng kabuuang 700 atleta sa darating na Asian Games.

--Ads--