--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 40 na atleta at ilang opisyal ng Santiago City sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2017 ang biktima ng food poisoning.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Butch Estavillo, Ilagan City Disaster Risk Reduction and Management Officer (CDRRMO) at hepe ng Rescue 1124 ng pamahalaang lungsod ng Ilagan, dakong alas-8:00 kagabi nang tumulong ang kanilang rescue units sa pagdadala sa ospital sa mga atleta na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi.

Sinabi ni Mr. Estavillo na alas-4:00 naman kaninang madaling araw nang makabalik sila mula sa pagbabantay sa mga biktima ng food poisoning.

Aniya, walang nasa malubhang kalagayan sa mga atleta at ang marami sa kanila ay nakabalik na sa kanilang billeting quarters sa Isabela National High School.

--Ads--

Hindi pa maidetalye ni Estavillo ang sanhi ng food posioning dahil ang delegasyon mismo ng Santiago City ang naghanda ng pagkain na sanhi ng nasabing insidente.

Sinabi pa ni Estavillo na ipinauubaya nila sa pamunuan ng delegasyon ang pag-iimbestiga para malaman ang sanhi ng food poisoning.