Magsasagawa ang Isabela Provincial Public Safety Office ng terminal visits mula Oktubre 28 hanggang 31 bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa at pag-alis ng mga biyahero ngayong Undas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kim Agbayani, Provincial Public Safety Officer, sinabi niyang dalawang team ang iikot sa mga pangunahing terminal sa Cauayan City, Ilagan City, Santiago City, Roxas at San Mateo upang suriin ang presensya ng tourist police at police assistance desks.
Ayon kay Agbayani, magpapakalat din ang tanggapan ng updated na Isabela emergency hotlines at road safety IEC materials sa mga terminal.
Samantala, sa Nobyembre 1 at 2, magde-deploy ang Public Safety Office katuwang ang Isabela Police Provincial Office at BFP upang i-monitor ang police assistance desks at first aid stations sa mga sementeryo, terminal at iba pang public convergence areas.
Mayroon ding dalawang roving teams na tututok sa northern at southern Isabela, na may kasamang mekaniko at dalang gasolina, diesel at iba pang kagamitan upang umalalay sa mga biyaherong masiraan ng sasakyan.
Dagdag pa niya, mag-aactivate din ng personnel sa capital compound sa Alibagu katuwang ang DPWH at DART Rescue 831 para sa mga nangangailangan ng assistance.
Home Local News
Terminal visits sa limang lugar sa Isabela, isasagawa ng Isabela Provincial Public Safety Office bago ang Undas
--Ads--











