--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinagulat ng girlfriendf ng isang graduating student ang ginawang pagpapakamatay ng kanyang kasintahan sa Cauayan City.

Noong  Martes ng umaga nang natagpuang patay sa loob ng kanyang silid si Jerwin Pacaba Foronda, 22, residente ng Dabburab, Cauayan City na magtatapos sana sa kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Isabela State University Cauayan Campus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ‘Judy,’ 20, kasintahan ng biktima at residente ng Reina Mercedes, Isabela, sinabi niya na hindi niya akalain na magagawa ng kanyang kasintahan na magpakamatay.

Aniya, noong gabi ay maliit na bagay lamang ang kanilang pinagtalunan kaugnay ng pagpigil niya na i-post sa social media ang kanilang away.

--Ads--

Kagabi ay nakausap niya ang kanyang BF na mistulang nagpapaalam at nang kanya umanong tawagan muli ay hindi na sumasagot.

Sa huli ay humingi ng tawad si “Judy” at ipinahayag na mahal na mahal niya si Jerwin.

Naniniwala naman ang ama ni Jerwin na problema sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang anak.

Dating nagtangkang magpakamatay si Jerwin dahil din sa pag-ibig ngunit kanilang napigilan.