--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos malunod sa sariling fishpond na nasa likod ng kanilang bakuran sa Villanueva, San Manuel, Isabela.
Ang nasawi ay si Jeric Grande, 26 anyos, at residente ng nasabing lugar.
Batay sa pagsisiyasat ng San Manuel Police Station, ang biktima ay natagpuan mismo ng kanyang sariling ama sa kanilang backyard fish pond.
--Ads--
Ayon pa sa ama ng biktima, ang kanyang anak ay mayroong history ng hypertension.
Ang bangkay ng biktima ay dinala sa isang punerarya para isailalim sa post mortem examination.