--Ads--

CAUAYAN CITY – Matinding galit dala ng selos ang nakikitang anggulo ng mga otoridad sa pagbaril at pagpatay kagabi ng isang magsasaka sa kanyang ofw na misis sa isang kasalan sa Dalena, San Pablo, Isabela.

Ang suspek ay si Edwin Gammaru, 35 anyos at residente ng Dalena, San Pablo, Isabela habang ang biktima ay si Jefrin Gamaru, 34 anyos, nakatira na sa Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela.

Tinamaan ng bala ang palad ng kapatid ng biktima na si Sophy Talosig matapos tangkaing awatin ang bayaw. 

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Pablo Police Station, ang mag-asawa ay matagal nang hindi nagsasama. 

--Ads--

Si Jefrin ay 10 taon nang nagtatrabaho sa ibang bansa at hindi na umuuwi sa kanyang mister.

Kapwa dumalo ang mag-asawa sa kasal ng kanilang kamag-anak sa Dalena, San Pablo, Isabela at naganap ang pagbaril ng suspek na umanoy nakainom ng alak sa kanyang misis nang siya ay isayaw ng isang lalaki. 

Naisugod sa ospital ang ofw subalit binawian din ng buhay habang ang suspek ay agad na tumakas dala ang ginamit na baril.