--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang gabay na sinusundan ang mga kasapi ng San Mateo Police Station sa pinaghihinalaang bumaril sa mag-ama noong August 10, 2017 sa San Mateo, Isabela

Ang mga biktimang sina Reagan Padua at 3 anyos na anak na si Asia Sowie Padua ay ginagamot pa rin.

Mayroong lumutang na testigo at nagbigay ng sinumpaang pahayag sa himpilan ng pulisya gayunman hindi pa maaaring ibunyag.

Una nang inihayag ng asawa ng biktima na nabanggit ng mister na nakilala niya ang suspek.

--Ads--

Ngayong linggo ay maaaring magsampa ng ng kaso ang mga pulis laban sa pinaghihinalaan.