--Ads--
CAUAYAN CITY- Hinuli ng mga kasapi ng Benito Soliven Police Station ang isang magsasaka dahil sa kasong panggagahasa.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Pronvicial Office, nagtungo sa Brgy. La Sallete, Benito Soliven, Isabela ang mga kasapi ng Benito Soliven Police Station upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Rogelio Tejada, 32 anyos,may-asawa at residente ng nasabing barangay.
Maayos namang sumama si Tejada sa mga pulis matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18, City of Ilagan.
Kinakailangang maglagak ng piyansang P/200,000.00 ang pinaghihinalaan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
--Ads--




