Kinilala bilang pinakabatang inductee sa Nashville Songwriters Hall of Fame si international pop star Taylor Swift noong Oktubre 26, araw ng Lunes sa United States.
Sa kaniyang acceptance speech, inalala ni Swift kung paano nahubog ng Nashville ang kaniyang pagmamahal sa pagsusulat ng kanta at nagsilbing pundasyon ng kaniyang music career.
Ibinahagi ng singer-songwriter na nagsimula siyang magsulat ng mga kanta noong bata pa siya at natutuhan ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay upang mas mapaunlad ang kaniyang talento.
Nakuha ni Swift ang kaniyang publishing deal sa Sony Publishing sa edad na 14, na naging daan upang mas mapalalim ang kaniyang kaalaman at karanasan sa songwriting.
Nagpasalamat naman ang Grammy-winning artist sa pagkilalang natanggap, at binigyang-diin na mananatiling mahalagang bahagi ng kaniyang malikhaing proseso ang mga aral na natutuhan niya sa Nashville.










