CAUAYAN CITY – Isinusulong ng City Agriculture Office na pag-aralan ng mga magsasaka ang pabago-bagong panahon na nakaka-apekto sa kanilang pagtatanim.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Agricultural Officer Moises Alamo na malaki ang epekto sa mga magsasaka ang pabago-bagong lagay ng panahon dahil dito nakasalalay ang resulta ng kanilang ani.
Anya nakabatay din sa panahon ang binhing pipiliin sa pag-tatanim.
Ngayong pago-bago na ang panahon, ay magsasagawa na umano ang City Agriculture Office ng seminar para turuan ang mga magsasaka sa kanilang dapat gawin upang makasabay sa pabago-bagong panahon.
Isa rin sa isinusulong ng DA ang pag-aaral ng mga magsasaka kaugnay sa dapat gawin kung mahuli o mapaaga ang pagtatamin upang magpaghandaan din ang panahon ng anihan.
Paraan din anya ito upang makapili ng tamang binhi na nakabubuti para sa tag-araw at para sa tag-init.
Dahil hindi tiyak ang panahon sa mga susunod na buwan ay mayroon naring pagaaral ng binhi na angkop sa kahit anong klima sa pilipinas.




