CAUAYAN CITY – Inihayag ng isang mambabatas sa Isabela na halos tapos na ang botohan sa house speakership ng Kamara dahil mayroon na umanong super majority coalition.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Congressman Tonypet Albano ng 1ST district ng Isabela, sinabi niya na halos tapos na ang election para sa speakership ni Kinatawan Alan Peter Cayetano dahil mayroon ng super majority coalition for Duterte at ang pag-uusapan na lamang ay ang pagtatalaga ng mga committee chairmanship para makapagsimula na sila sa kanilang trabaho sa kamara.
Aniya, dahil hindi makuha nina congressman Allan Peter Cayetano, Lord Allan Velasco at Martin Romualdez ang super majority para isulong ang mga priority development plan ng pangulo ay napagkasunduan nilang humingi ng payo sa punong ehekutibo .
Dahil dito ipinayo ng pangulo na magkaroon term sharing na lamang sina Cayetano at Velasco.
Sinabi pa ni Cong. Albano na bagamat may kanya kanyang sinusuportahan ang mga kongresista ay napag-isip isip na tama ang mungkahi ng Pangulo para sa ikabubuti ng nakakarami.





