--Ads--

CAUAYAN CITY– patay ang isang lalaki matapos magbaril sa sarili sa Purok 4, Marasat Pequeno, San Mateoo, Isabela.

Ang nagpakamatay ay si Alexis Balea, 47 anyos, isang negosyante at residente sa nasabing lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Jeffrey Raposas, hepe ng san Mateo Police Station, sinabi niya na may kinalaman sa negosyo at pamilya ang pagbaril sa sarili ni Balea.

Aniya, nauna na siyang kinausap ng mga residente sa lugar gayundin ang mga opisyal ng barangay ng dumating ang mga kasapi ng San Mateo Police Station sa lugar.

--Ads--
Tinig ni PMajor Jeffrey Raposas,hepe ng PNP San Mateo,Isabela

Sa harap aniya ng kanilang bodega nagbaril sa kanang bahagi ng kanyang ulo si Balea gamit ang isang Cal. 45.