--Ads--

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang lalaki habang nasugatan ang tsuper ng motorsiklong matapos maaksidente sa barangay Marana 3rd, Ilagan City

Ang namatay ay si Michael Feliciano, 30 anyos, residente ng Lunsod ng Ilagan habang nagpapagaling sa pagamutan ang tsuper ng motorsiklo na si Hector Bulan,31 anyos, isang utility worker at residente ng barangay San Isidro, Ilagan City.

Una rito ay sakay ng motorsiklo si Bulan kasama ang backrider na si Feliciano at binabagtas ang pambansang lansangan at nang makarating sa pakurbadang daan ay nawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper ng motorsiklo.

Dahil dito bumangga ang motorsiklo sa barikada ng daan at tumilapon ang dalawang sakay sa sementadong lansangan.

--Ads--

Kaagad namang tumugon ang mga kasapi ng Recue 1124 at dinala sa ospital ang dalawang sakay ng motorsiklo ngunit idineklarang dead on arrival ang backrider na si Feliciano.

Lumabas sa pagsusuri na lango sa nakalalasing na inumin ang dalawang sakay ng motorsiklo nang masangkot sa aksidente.