--Ads--

Kinuwestiyon ng abogado ni Vice President Sara Duterte ang pagiging patas umano ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa imbestigasyon sa mga alegasyong inihain ni Rodulfo M. Gracioso Jr. laban sa Bise Presidente.

Sa pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Atty. Paul Lawrence Lim na dati nang naglabas si Matibag ng mga artikulong kritikal kay Duterte.

Kinuwestiyon din ni Lim ang pagbibigay ng NBI director ng mga pahayag hinggil sa nagpapatuloy na imbestigasyon habang kasabay nito ang impeachment trial ng Bise Presidente.

Binigyang-diin ni Atty. Lim na inaasahan nilang mananatiling propesyonal at apolitical ang NBI at hindi gagamitin ang ahensya para sa partisan na layunin.

--Ads--