--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 13 overflow bridge sa Isabela ang hindi madaanan dahil sa pagtaas ng water level sa mga ilog bunga ng pag-ulan na dala ng bagyong Pepito.

Hindi madaanan ang mga overflow bridge sa Baculod at Cabiseria 8 sa City of Ilagan, Cansan overflow bridge na nagkokonekta sa bayan ng Cabagan at Sto Tomas; Mozzozzin Sur overflow bridge na nagkokonekta sa bayan Cabagan at Sta Maria, Alicaocao, Buyon at Turayong overflow bridge sa Cauayan City; Gucab at Annafunan overflow bridge sa Echague, Isabela; Sto. Domingo overflow bridge sa Quirino; Addalam at Pungpungan bridge sa Jones, Isabela at Sinaoangan Norte at Masaya Sur overflow bridge sa San Agustin, Isabela.

May mga miyembro ng pulisya, Public Oder and Safety Division (POSD) at opisyal ng barangay ang nagbabantay sa mga overflow bridges para mahadlangan ang pagtawid ng mga mamamayan upang maiwasan ang panganib.

Sa ilang overflow bridges tulad ng Alicaocao overflow bridge ay may bangka na puwedeng sakyan ang mga tao na tatawid sa ilog habang hindi pa puwedeng dumaan sa tulay ang mga sasakyan.

--Ads--