--Ads--

CAUAYAN CITY – Nananatili sa red alert status ang lahat local DRRMO sa mga Bayan at Lunsod sa Northern Isabela bilang paghahanda sa magiging epekto ng Bagyong Rolly.

Kaugnay nito, inatasan ng Ilagan City DRRMO ang mga opisyal ng barangay na maging alerto at mapagmatyag sa kani-kanilang mga nasasakupan upang maiwasan ang anumang sakuna na maaring maglagay ng panganib sa buhay ng mga residente.

Maliban dito ay nakahanda na rin ang mga gagamiting eskwelahan bilang mga evacuation center sa Lunsod.

Handa na rin ang mga equipment o mga kagamitan na gagamitin para sa posibleng rescue operation sa mga mababang lugar na maaaring bahain pati na ang mga lugar na magkakaroon ng pagguho ng lupa.

--Ads--