--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang One Nueva Vizcaya for Cagayan Valley na naglalayong mabigyan ng tulong ang mga residenteng lubos na sinalanta ng malawakang pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Robert Corpuz, Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer ng Nueva Vizcaya, sinabi niya na isinulong nila ang centralized na pamamahagi ng mga donasyon mula sa mga mamamayan sa kanilang lalawigan patungo sa mga residenteng lubos na nasalanta ng pagbaha sa Isabela at Cagayan.

Aniya, nakipag-ugnayan ang tanggapan ng Provincial Administrator sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela at Cagayan para sa pamamahagi ng tulong.

Nakatanggap ang Provincial Capitol ng Nueva Vizcaya ng mga donasyon mula sa mga Novo Vizcayanos tulad ng mga  hygiene kits, cleaning materials, towels, mats, noodles, canned goods at gamot maging cash donations para ipamahagi sa mga nangangailangang residente sa Cagayan at Isabela.

--Ads--

Tiniyak ni Ginoong Corpuz na transparent sila sa pagbibigay ng update at acknowledgement sa lahat ng mga nakikibahagi sa kanilang donation drive.

Una nang napagkalooban ng ayuda ang mga bayan ng Alfonso Castanieda, Runruno, Quezon at Kasibu, Nueva Vizcaya na naapektuhan ng mga pagguho ng lupa noong bagyong Ulysses.

Ang grupo ng PDRRMO ay magtutungo ngayong araw sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng mga relief packs.

Ang pahayag ni PDRR Officer Robert Corpuz.