CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng Magat Dam River Integrated Irrigation System ng National Irrigation Administration (NIA-MARIIS) na dadalo ang kanilang mga opisyal sa gagawing pagdinig ng Kongreso sa naganap na malawakang pagbaha sa Isabela at Cagayan na isinisi ng mga mamamayan ng Cagayan sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam sa Ramon, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Wilfredo Gloria, Department Manager ng NIA- MARIIS niya na nakahanda nilang sagutin mga tanong ng mga mambabatas.
Tiniyak ni Engineer Gloria na dadalo siya kasama ang kanilang top management sa gagawing inquiry in-aid of legislation ng Kamara na gaganapin bukas araw ng Martes habang sa araw naman ng Miyerkules sa Senado.
Magugunitang una nang inihayag ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na magsasampa ng kaso ang mga mamamayan ng Cagayan laban sa pamunuan ng Magat dam makaraang isisi sa pagpapakawala ng tubig ang naganap na malawakang pagbaha sa nasabing lalawigan.











