CAUAYAN CITY– Umakyat pa sa 439 ang total active cases sa Isabela matapos muling magtala ng 51 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw
Sa naturang bilang naitala ang 19 na kaso sa Ilagan City, 15 Cauayan City, tig-aapat sa San Mariano at Tumauini, tig-dadalawa sa Santiago City, mga bayan ng Reina Mercedes at Delfin Albano,habang isa naman ang naitala sa bayan ng Luna.
Isa ang Returning Overseas Filipino,apat ang Non-APOr, 29 ang health worker, 31 ang pulis, habang nasa 375 ang mula sa local transmission.
Nakapagtala naman ng 15 recoveries kaya umakyat na sa 2,996 ang total recoveries ng Isabela habang nanatili sa 48 ang nasawi.
Patuloy pa rin ang paalala ng mga kinauukulan na maging masunurin at sumunod sa mga panuntunan upang maiwasan ang virus.





