CAUAYAN CITY– Inihahanda na ng Schools Division Office (SDO) Cauayan City ang 400 na silid aralan at storage room na gagamitin para sa Licensure Examination For Teachers (LET) ngayong taon na idaraos sa Cauayan City.
Dalawang venue isasagawa ang LET na isasagawa sa Tuguegarao City at Cauayan City.
Mataandaan na nauna ng nagpulong ang Professional Regulation Commission sa pangunguna ni PRC Regional Director Rodrigo Balaqui Jr. at Department of Education (Deped region 2) kung saan napagkasunduan na ganapin sa lungsod ng Cauayan ang Licensure Examinations for Teachers at Criminology Board Examination.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. sinabi niya na inaasahan sa huling linggo ng taon ay nagsimula na ang paghahanda sa mga classroom kasunod ng gagawing occular inspection ng PRC Region 2.
Nagkaroon na rin umano ng pakikipag-ugnayan ang SDO Cauayan sa ilang private schools and state university sa Lunsod sakaling kailanganin ng karagdagang mga pasilidad para sa Licensure Exams.
Batay sa inisyal na impormasyon na ibinaba sa kanila ng PRC bilang pag-iingat sa COVID-19 at bilang bahagi ng pagtalima sa IATF protocols ay walong examinees ang laman ng bawat silid alaran.
Magiging bukas rin ang Licensure Examinations for Teachers hindi lamang sa lalawigan ng Isabela kundi maging sa mga karatig probinsiya.
tiwala ang SDO Cauayan City na makakaya ng kanilang tanggapan ang pagsasagawa ng Licensure Examination sa Cauayan City sa tulong at suporta ng Pamahalaang Lunsod.
Samantala,na nakaantabay ang mga kawani ng SDO Cauayan City para sa pagsasagawa ng webinars at iba pang pagsasanay na pangungunahan ng PRC Region 2.




