--Ads--

CAUAYAN CITY– Bukas ang pamunuan ng Schools Division Office (SDO) Cauayan City sa pagpapabakuna ng mga guro sakaling mayroong ilaan ang pamahalaang lunsod na COVID-19 vaccines.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools Division Supt. ng SDO Cauayan City na bukas ang kanilang mga guro na mabakunahan bilang mga frontliner sa education sector.

Sinabi pa ni Dr. Gumaru na wala siyang nakikitang problema sa usapin ng pagbabakuna basta ligtas at hindi makakasama sa kalusugan ng mga guro.

Tiwala naman si Dr. Gumaru na hindi ipapahamak ng pamahalaan ang mga guro at tanging kaligtasan lamang ang iniisip ng Gobyerno.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Schools Division Supt. Dr. Alfredo Gumaru Jr.