--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpatupad ng balasahan ang DPWH Region 2 sa ilang opisyal ng kagawaran dahil sa isyu ng korapsyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPWH Region 2 Information Officer Wilson Valdez, sinabi niya na nagbaba na ng kautusan si DPWH Secretary Mark Villar na magreshuffle at magre-assign sa mga opisyal ng DPWH Region 2 sa ibat ibang mga lugar.

Matatandaan na ibinunyag ng Commission on Audit (COA) na nasa P100 bilyong halaga ng proyekto ang ‘delayed’ o kaya ay hindi naipatupad ng DPWH para sa taong 2019.

Ayon kay Information Officer Valdez, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Kagawaran at sinabi niya na wala pa namang konkretong patunay na may nangyaring korapsyon.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni DPWH Region 2 Information Officer Wilson Valdez.